Bumisita ngayong araw, Lunes, ika-4 ng Marso 2019, sa Beijing, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, sa mga kagawad mula sa mga sirkulo ng panitika't sining at siyensiyang panlipunan, na kalahok sa Ika-2 Sesyon ng Ika-13 Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC).
Lumahok din si Xi sa pulong ng naturang mga kagawad, at pinakinggan ang kani-kanilang mga palagay at mungkahi.